HINDI lang basketbolista, bangkero na rin ang former NBA champion na si Harrison Barnes.
Nag-invest ng US25 million ang San Antonio Spurs forward sa isang community bank sa kanyang home state sa Iowa.
In-acquire ng 34-anyos na basketbolista, kampeon kasama sina Steph Curry at Golden State Warriors taong 2015, ang Community State Bank sa Paton, Iowa.
Isang maliit na bayan ito na may populasyon lamang na 220, ayon sa mga report.
Ipinanganak si Barnes sa Ames taong 1992 at naglaro para sa Ames High School.
Dalawang season siyang drumibol sa University of North Carolina bago sumabak sa NBA kung saan napili siyang 7th pick overall ng Golden State taong 2012.
May background sa aspeto ng pananalapi si Barnes dahil nag-aral siya sa Kenan-Flagler Business School sa University of North Carolina at nakakuha ng Bachelor of Business Administration degree sa Finance.
Nitong 2026 NBA Finals habang nasa San Antonio, nag-enroll si Barnes sa Iowa School for Banking, isang professional development program sa ilalim ng Iowa Bankers Association.
Sa kabuuan ng kanyang career ay kumita na si Barnes ng hindi bababa sa $224 million, ayon sa Spotrac. (Abante Sports)












