Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 45-anyos na Amerikano na wanted sa United States dahil sa paglabag umano sa kanyang parole kaugnay ng kasong illegal drugs.
Kinilala ng BI ang suspek na si Jason Michael Hill, na naaresto noong Agosto 11 sa Barangay Calindagan, Dumaguete City, sa operasyon ng Fugitive Search Unit katuwang ang mga awtoridad ng US, PNP at lokal na mga awtoridad.
May warrant umano laban kay Hill na inilabas ng Sacramento County Superior Court sa California. Dumating siya sa Pilipinas noong Marso 2023 bilang temporary visitor ngunit nag-overstay sa kanyang visa.
May record din siya sa BI bilang undesirable alien at fugitive from justice.
Nananatili si Hill sa kustodiya ng BI habang isinasagawa ang immigration proceedings laban sa kanya.












