WebClick Tracer

Sapat ba ang EO 122 para makahabol ang Pinas sa $40B nickel industry ng Indonesia?

May video sa social media, gawa ng Daily Discoveries, na nagpapaliwanag sa dieksyon ng Indonesia pagdating sa kanilang mina ng nickel. At mula doon, nagbigay rin ng insight kung papaano dapat ang gawin ng Pilipinas sa sarili nating mina ng nickel.

Eto po ang link kung gusto ninyong panoorin ang video: https://www.facebook.com/share/v/1C86ZwdNi2/

Tandaan ninyo, pumapangalawa tayo sa Indonesia pagdating na tinatantiyang dami ng mina ng nickel. Isa tayo sa may pinakamalaking mina ng nickel sa buong mundo, at ipinaliwanag sa atin yan ni DOST Usec Jun Yumul na ngayon ay nasa mining industry.

Pero napakalayo ng kinikita natin sa pagmimina ng nickel kumpara sa Indonesia.

Paano nangyari yun?

Nasa US$1.65 bilyon lamang ang ating kinikita mula 37~55 toneladang export ng nickel. Ito ay dahil puro hilaw na nickel ore ang ating iniluluwas palabas ng bansa. Ang nakakainis, nag-aangkat tayo ng finished product na nickelpara gamitin sa industriya!

Samantalang ang Indonesia, umabot sa US$6.49B ang export ng nickel noong 2024, sa China pa lamang.

Ang buong kinita ng Indonesia mula sa nickel noong 2025 ay umabot sa US$35.91B; kawama rito ang export ng repinadong nickel na nagkahalaga ng US$9.73B. Kung isasama ang iba pang produktong hinaluan ng nickel at saka ini-export, tinatayang mula US$30B hanggan US$40B ang kabuang export ng Indonesia.

Paano nangyari yun?

Gumawa ng regulasyon ang Indonesia na nagbabawal sa pagluwas o pag-export ng hilaw na mina ng nickel. Repinadong nickel o finished products lamang ang maaaring ilabas sa bansa nila.

Dahil dito, napuwersa ang mga nagnanais ng kanilang nickel na magtayo ng mga planta para sa iproseso ang minang bato at lupa para maging repinado at finished product na nickel.

Dahil sa regulasyon na ganap na ipinatupad simula 2020, may pumasok na foreign directy investment sa Indonesia noong 2021-2022 naumabot sa US$45.6B; karamihan ay napunta sa processing ng nickel. Ang malupit pa rito, malaking bahagi ng nickel ore ng Pilipinas ang iniluluwas sa Indonesia para iproseso.

Kaya ngayon, inaani ng Indonesia ang US$30B bunga ng matapang nitong regulasyon na naglagay sa nickel industry sa sariling kontrol nito.

Kamakailang, inilabas ni Pres Marcos Jr ang Executive Order (EO) 122 na layuning paunlarin ang pagmimina sa Pilipinas, lalo na ang nickel at copper.

Mula sa simpleng pagluluwas ng hilaw na nickle ore, gustong isulong ng bagong EO ang pag-proseso nito sa loob ng bansa. Bukod sa pagtatakda ng responsableng pagmimina, gusto nitongmagtatag ng value-added na proseso sa tinatawag na critical minerals na importante ngayon sa paggawa ng renewable energy, EV batteries at computer components tulang ng semiconductor at microchips.

Pero hindi ipinagbabawal ang pagluluwas ng hilaw na mineral ore. Magbibigay lamang ito ng mga pabuya at benepisyo sa mga kumpanyang papasok sa pagproseso ng mina.

Sapat ba ang EO 122 upang makasabay tayo sa nickel industry ng Indonesia? Sa Indonesia, ramdam ang epekto ng total export ban sa ekonomiya sa loob lamang ng 1-2 taon.

Malalaman natin sa mga susunod na taon, bago matapos ang termino ni BBM.