WebClick Tracer

Pangasinan ikinasa state of calamity dahil sa habagat

Nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Pangasinan kahapon ng umaga.

Ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ito ay dahil sa epekto ng habagat na nagpalubog sa baha sa maraming bayan sa lalawigan.

Isinagawa naman ang deklarasyon sa pamamagitan ng Provincial Resolution No. 985-2026.

Layunin anila ng hakbang na mapabilis ang pagbibigay ng tulong at pagpapatupad ng mga hakbang para sa response at recovery ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.

Noong Linggo, nagpatupad ng forced evacuation sa bayan ng Bayombong matapos na lumubog sa baha ang 36 barangay dito na posibleng maglagay sa panganib sa mga residente.

Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa mga binayo ng pananalasa ng habagat sa nakalipas na mga araw.

Kabilang din ito sa mga lugar na tinukoy ng weather bureau na posible pang masalanta sakaling magpatuloy ang paghambalos ng habagat sa susunod na mga araw.(Angelica Malillin)