Ang bongga ng Vice! Comedy Club na pag-aari ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Aba, gabi-gabi ay puno palagi ang nasabing lugar.
Minsan nga lang silang magsara.
May pagkakataon na bagyo’t baha na pero bukas pa rin sila.
Pero iba noong Linggo. Dahil sa ulan at baha nga sa maraming lugar ay nagdesisyon si Vice at ang kanyang mga kasosyo na huwag mag-operate.
Sey ni Meme Vice sa kanyang announcement sa socmed, “No show tonight Madlang Pipol!”
Sabi pa sa announcement, “Due to the inclement weather, VICE Comedy Club will be closed tonight.
Please stay safe and dry, everyone!
We’ll see you again soon!”
Siyempre, kailangan ding maging safe ng mga tauhan nila kaya nagdesisyon nga sina Meme Vice na magsara muna for that night ang Vice! Comedy Club.
Tama! (Jun Lalin)












