Ramdam na ramdam din ni Anne Curtis ang pagdurusa ng taumbayan sa malawakang baha na naranasan sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at Luzon nitong mga nakaraang araw.
Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ng aktres ang music video ng awiting “Baha” nina Flow G at Kassa, a powerful song tungkol sa baha at naglalarawan sa talamak na korapsyon sa gobyerno at ang pagpapabaya sa mga mahihirap na mamayanan sa Pilipinas.
Sa caption ni Anne ay inilagay niya ang isang bahagi ng lyrics ng kanta na nagsasaad ng “Nasaan ang mga buwis sabi yan ng mga nakarehistro. Kahit ‘di na salapi yung KATINUAN n’yo na lang ibalik n’yo” with matching sad emoji.
Needless to say, isa rin ang aktres sa nalulungkot at nakikisimpatiya sa mga libo-libong mamamayang apektado ng paulit-ulit at walang katapusang baha sa bansa.
Isa rin si Anne sa mga hinangaang celebrity sa pagiging vocal sa pagtuligsa sa mga kinauukulan kapag may nakikita siyang mali or problema sa ating bansa.
In fairness, hindi basta tumatahimik lang si Anne sa mga ganitong isyu sa lipunan, ‘noh?! (Vinia Vivar)












