WebClick Tracer

Wanted na Australian national, arestado sa Siargao

Isang 55-anyos na Australian national na wanted sa limang kaso ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act o RA 9262 ang dinakip sa General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

Naaresto ang suspek sa Sitio Santa Ines, Barangay Catangnan noong Huwebes, Agosto 27, sa joint operation ng General Luna Municipal Police Station at Surigao del Norte Tourist Police Unit.

Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 31 sa Dapa, Surigao del Norte noong Pebrero 13 at 18, 2026.

Ayon sa pulisya, mismong ang asawa ng suspek ang nagreklamo sa dayuhan dahil umano sa kalupitan nito. Nagulat pa umano ito sa pagda¬ting ng mga awtoridad para arestuhin siya.

Nananatili siya sa kustodiya ng General Luna Police Station habang isinasagawa ang kaukulang proseso.