WebClick Tracer

Pagsusulong sa kaligtasan ng ating mga anak

Bilang isang ama at lingkod-bayan, masakit para sa akin na makarinig ng mga insidente ng karahasan sa loob o paligid ng ating mga paaralan. Ang mga nangyari kamakailan sa Tacloban City at Zamboanga City ay dapat magsilbing malaking leksyon sa lahat para gumawa na ng aksyon.

Kaya malinaw ang panawagan ko: We owe it to our children, their families, and the Filipino people to prevent another tragedy from happening. Paulit-ulit na lang po itong nangyayari. Sana huwag na itong maulit. Hindi natin kailangang hintayin ang susunod na trahedya bago kumilos.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Youth at isang Mindanaoan, muli nating ipinarating ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng naapektuhan ng mga insidenteng ito.

Nakakabahala na bukod sa may mga nasaktan, may mga bata ring natatakot bumalik sa eskwelahan. Hindi dapat ganito ang pakiramdam ng isang bata sa lugar kung saan siya pumapasok para matuto. Ang mga paaralan ay dapat manatiling zones of peace and learning.

Kaya sinuportahan ko bilang co-sponsor ang Senate Bill No. 2426, kung saan isa rin ako sa mga may-akda. Layunin ng panukalang batas na magtatag ng isang komprehensibo at malinaw na sistema para mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, guro, at iba pang school personnel.

Kailangan din ang regular na safety assessments, audits at emergency drills. Dapat may sapat na CCTV, screening equipment at maayos na visitor management system kung kinakailangan. Mahalaga ring may nakatalagang school safety officer, security personnel, school counselor at school counselor associate.

Bukod sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral, kailangan din nating bantayan ang kalagayan ng isip at damdamin ng ating mga kabataan. Mental health issue is real.

Napakalaki pa ng kakulangan natin sa school counselors at mental health professionals. Kaya patuloy kong hinihikayat ang agarang pagpapatupad ng hiring ng school counselor associates na pinaglaanan na ng pondo sa 2026 national budget. Kaugnay ito ng Republic Act No. 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, na aking co-authored at co-sponsored.

Mahalaga ring tingnan kung paano ginugugol ng mga kabataan ang kanilang oras. Bilang chairperson ng Senate Committee on Sports, patuloy kong hinihikayat ang ating mga kabataan na lumabas, maglaro, mag-ehersisyo at makilahok sa sports kaysa buong araw na nakatutok sa gadgets at social media.

Hindi natin layuning ipagbawal ang teknolohiya. Bahagi na ito ng kanilang buhay at ng mundong ginagalawan natin. Ang kailangan ay responsable at naaayon sa edad na paggamit nito. Hikayatin natin ang mga kabataan na ma-hook sa sports imbes na sa social media. Get into sports, stay away from drugs, to keep us healthy and fit!

Samantala, tuloy lang ang ating pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa abot ng ating makakaya. Nitong August 24, muli tayong bumisita sa mga kababayan nating nasunugan sa Brgy. 106 at Brgy. 107 sa Pasay City para mag-abot ng agarang tulong para sa kanila.

Noong August 27, kahit binabaha, personal din nating binisita ang mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo sa Masantol, Pampanga, upang kumustahin ang kanilang kalagayan at maghatid ng tulong. Habang patungo sa bayan ng Masantol ay personal kong nakita ang kalagayan ng mga kababayan natin doon. Nagbigay rin ako ng tulong sa mga nakasalubong kong kababayan natin.

Personal din nating binigyan ng tulong ang ating mga kababayan na nasunugan sa Muntinlupa City nitong August 28. Palagi nga nating paalala sa mga pamilyang biktima, na mahirap ang masunugan at masakit sa akin tuwing naririnig kong may namatay o nasaktan. Tutulong lang ako sa abot ng aking makakaya. Ang gamit ay nabibili, ang damit ay nalalabhan, ang pera ay kinikita, pero ang perang kikitain ay hindi nabibili ng buhay. A lost life is a lost life forever. Importante buhay po tayo kaya’t magtulungan lang po tayo.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Sports, dinaluhan at sinuportahan din natin nitong August 28, 2026 ang 22nd Talionis Golf Tour: Supreme Cup kung saan nakasama natin ang mga miyembro ng Lex Talionis at ilang golf enthusiasts.

Patuloy ding nagpaabot ng tulong ang ating Malasakit Team sa iba’t ibang kababayang nangangailangan. Agad nilang tinulungan ang mga biktima ng sunog sa Roxas City, Capiz; San Carlos City, Negros Occidental; Davao City; Zamboanga City; Cagayan de Oro City; at Balingasag at Gingoog City, Misamis Oriental.

Dahil sa mga nagdaang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Pilipinas, natulungan din ang iba’t ibang pamilyang naapektuhan, kabilang ang mga biktima ng pagbaha dulot ng bagyo at habagat sa Biñan City, Laguna; Nampicuan, Nueva Ecija; Agno, Pangasinan; Candaba, Macabebe, Minalin, at Guagua, Pampanga; Malolos City, Paombong, Calumpit, Guiguinto, at Bulakan, sa Bulacan.

Nabigyan din ng tulong ang mga iskolar mula sa San Jose, Batangas; Floridablanca, Pampanga; Cebu City; at Lupon, Davao Oriental. Bukod dito, naghatid din ng tulong ang ating team sa mga nagtapos sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Cebu.

Dumalo rin ang aking Malasakit Team sa inaguration ng bagong Super Health Center sa Sta. Catalino, Negros Oriental kung saan namahagi rin tayo ng tulong sa mga barangay healthworkers doon.

Tandaan natin, minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan o tulong na pwede nating gawin sa ating kapwa ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito.

Ako ang inyong Senator Kuya Bong Go, patuloy na magseserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko na ang magserbisyo at ako po ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos.