WebClick Tracer

Operator pinapaliwanag sa nasunog na bus

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng isang pampasaherong bus na nasunog habang bumibiyahe sa South Luzon Expressway (SLEX) noong Agosto 28.

Pinadalhan ng Show Cause Order ang Alps the Bus, Inc. upang ipaliwa¬nag ang sanhi ng insidente at kung may naging pagkukulang ang kompanya na maaaring naglagay sa panganib sa mga pasahero at kapwa motorista.

Tutuon ang imbestigasyon sa roadworthiness at maintenance ng bus, gayundin sa pagsunod ng operator sa mga kondisyon ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Hihingan din ng paliwanag ang driver at conductor ng bus.

Nakatakda sa Setyembre 10 ang pagdinig ng LTFRB, kung saan kaila¬ngang isumite ng kompanya ang mga dokumento kaugnay sa kondisyon at maintenance ng nasabing unit.

Sa loob naman ng tatlong araw mula nang matanggap ang Show Cause Order, kailangang ipaliwanag ng operator kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang kanilang CPC.