Sino raw itong babaeng mambabatas ang nag-book ng isang lalaki mula sa kilalang talent manager?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, complicated ang love life ng mambabatas dahil palagi itong nakatutok sa kanyang trabaho sa lawmaking.
Pero kapag gusto umano nitong bumembang, ang iniisip na lang nito ay umorder ng lalaki, as in parang umoorder lang online ng pagkain sa fast food. Ang kontak ng mambabatas, isang talent manager na kilalang nagbubugaw sa kanyang mga alaga, babae man o lalaki.
Tulad ng fast food, may menu itong talent manager kaya naman ang pinipili ng lady solon ay lalaking matipuno, ‘yun bang tambak ang “pandesal” sa dibdib.
Type kasi ng lady solon ang lalaking pormang atleta, ‘yun bang kayang gawin ang 1,000 push up sa kanilang labanan sa kama.
Pintahan n’yo na. Ang babaeng mambabatas ay maganda noong dalaga pa, habang ang talent manager ay ilang beses nang nakaladkad sa kontrobersya.









