Sino raw itong politiko ang tila naging spokesman ng isang kilalang shopping mall sa bansa?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, magpapatayo raw kasi ng shopping mall sa lugar ng politiko at maraming residente ang nagtatanong kung kailan ito sisimulan at matatapos.
Aba’y imbes na ipasa sa tagapagsalita ng shopping mall, itong politiko na lang ang sumagot sa mga tanong ng kanyang mga kababayan, animo’y siya ang nagpapagawa ng gusali.
May mga Marites pang nagtatanong kung maaari silang pumasok sa trabaho habang ginagawa ang mall at sumagot naman ang politiko na puwedeng-puwede. Hindi lang spokesperson, nagmistulang HR din ang politiko para lang makaepal sa ginagawang shopping mall sa kanilang bayan.
Akala ng politiko ay marami ang natutuwa sa kanya, hindi niya alam na marami rin ang nabubuwisit dahil sa pagiging epal nito sa proyekto.
Pintahan n’yo na. Ang politiko na umaaktong spokesperson ng shopping mall ay may letrang T sa apelyido.









