Sino raw itong opisyal ng gobyerno ang sinusulot sa kanyang puwesto kahit maayos naman ang trabaho?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ang promotor daw ng nilulutong kudeta sa ahensiya ng gobyerno ay isang dating government official na napatalsik sa ginawang pagbalasa sa kagawaran.
Naging “ampalaya” raw itong dating government official kaya naghanap ng padrino para makabalik sa puwesto. Hindi lang Asec o Usec ang target na posisyon ni mokong kundi ang maging secretary ng kagawaran.
Tiwala raw ang government official na mapupunta sa kanyang bulsa, este sa kanyang kamay ang posisyon dahil ang kinuha nitong padrino ay hindi matatanggihan kahit ni Pa¬ngulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang classic nito, hindi pa man nakakaupo, panay na raw ang pangongolekta nito ng kickback o komis¬yon.
Pintahan n’yo na. Ang government official na sinusulot sa kanyang puwesto ay may letrang E sa kanyang pangalan as in ewan.









