Sino raw itong politiko ang lumabag sa batas-trapiko matapos magmaneho ng motorsiklo nang walang proteksyon?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, naispatan ang politiko na nakasakay sa motorsiklo angkas ang isang babae.
Imbes na maging huwaran sa kanilang bayan, siya pa umano ang naging pasaway sa batas-trapiko matapos magmotorsiklo nang walang helmet at walang sapatos.
Imbes na helmet, sombrero ang suot ng politiko at nakatsinelas lang sa pagmamaneho. Kahit na ang angkas nitong babae, nakasumbrero at tsinelas din.
Ang classic nito, hindi man lang pinara ng mga traffic enforcer ang politiko, aba’y takot sigurong masermunan kapag na-bad trip ang pasaway na politiko.
Pintahan n’yo na. Ang pasaway na politiko ay may letrang A sa pangalan, as in ambot ngani.









