Sino raw itong politiko ang certified babaero dahil sa dami ng kanyang naging kabit?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, hindi lang isa o dalawa ang kabit ng politiko kundi umabot umano ito sa lima at posibleng madagdagan pa dahil wala pa itong 50-anyos, at talagang palaban pa si “Manoy”.
Isa sa nakarelasyon umano ng politiko ay nabuntis kaya napilitan itong pakasalan ang babae.
Sa kabila nito, hindi pa rin tumigil sa pambababae ang ating bida lalo na noong lumaki ang tiyan ng kanyang misis.
Apat daw sa kabit ng politiko ay ubod ng ganda, maliban sa isa na hindi masyado pero kartada 10 naman ang hubog ng katawan kaya naman palaging naglalaway dito ang politiko.
Sa kabila ng pambababae ng politiko, palagi naman daw itong nananalo sa eleksiyon, as in keber ang mga botante kahit ilang bebot ang binabahay nito basta makakapagbigay lamang ito ng ayuda, lalo na kapag eleksiyon.
Pintahan n’yo na. Ang politiko na certified babaero ay may letrang R sa pangalan, as in “Rated R”.









