Sino raw itong politiko ang nakatikim ng suntok matapos dumalo sa hearing ng kanyang kaso?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, pabalik na sana sa kanyang kulungan ang politiko matapos ang hearing ng kanyang kaso nang mapadaan ito sa mga nakaabang na reporter.
Magbibigay sana siya ng maikling statement sa mga reporter pero tinulak ito ng mga jail guard papalayo sa mga reporter.
Sabi ng politiko, may sumuntok umano sa kanya dahil naramdaman nitong tumama ang kamao sa kanyang katawan. Hindi naman isiniwalat ng politiko kung nagkaroon ito ng pasa sa pag-umbag sa kanya ng jail guard.
Clue. Ang politiko ay may kinakaharap na non-bailable na kaso at may letrang E sa kanyang pangalan, as in ewan ko.









