Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto na mas palalakihin pa ng administrasyong Marcos ang pondo at suporta sa mga lokal na pamahalaan para mas mabilis na maihatid ang serbisyo sa mga Pilipino.
Ito ang sinabi ni Recto matapos niyang tanggapin ang Presidential Action Agenda ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Mindanao Island Cluster Conference sa Cebu City noong Agosto 13.
Ayon kay Recto, aabot sa halos P1.4 tril¬yon ang National Tax Allotment (NTA) ng mga LGU sa 2027, pinakamalaki sa kasaysayan. Pinakamalaking bahagi nito ang mapupunta sa 1,491 munisipalidad na tatanggap ng kabuuang P448.70 bilyon.
Bukod sa NTA, nakalaan din ang P58.53 bilyon para sa Local Government Support Fund (LGSF) sa ilalim ng 2027 proposed national budget. (Prince Golez)









