Sino raw itong politiko ang iginarahe ang isang seksing aktres na wala nang masyadong raket sa showbiz industry?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, biglang nawala umano sa industriya ang starlet, ‘yun pala ay buhay reyna na ito sa biniling mansiyon ng kanyang dyowa sa isang exclusive village sa Metro Manila.
Nataypan daw ng starlet ang buhay niya ngayon, aba’y dati kasi ay nasa condo lang siya pero ngayon ay nasa exclusive village na siya courtesy ng rich politiko.
Ang classic nito, ginawa lang pala siyang “escabeche” ng politician dahil may asawa at anak na pala ito kaya malabong maging legal wife ang ating bida.
Pintahan n’yo na. Ang politiko ay kilalang babaero, habang ang starlet ay may ex-boyfriend na laos.









