Sino raw itong mambabatas ang luhaan matapos na tanggalin sa kanya ang pamumuno ng isang komite?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, hindi naman kalakihan ang nawalang komite sa mambabatas, pero nanghihinayang ito sa naglahong werpa at dagdag pondo.
Sa sama ng loob, umiyak daw ang mambabatas, aba’y parang batang inagawan ng kendi ng kalaro.
Hindi na raw nagtataka ang ilang Marites kung tinanggalan ng komite ang mambabatas, paano ba naman kasi ay namamangka sa dalawang ilog, kunyari ay kakampi ng administrasyon pero tumataya rin sa oposisyon.
Pintahan n’yo na. May letrang A sa kanyang pangalan, as in ambot gyud.









