Sino raw itong politiko ang nagbibigay ng P2 milyon kada buwan bilang sustento sa kanyang kabit?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, may asawa at mga anak umano ang politiko pero hindi nakapagpigil nang maka-encounter ng isang beauty queen sa kanilang lalawigan.
Dati ay pakape-kape lamang siya sa girl pero kalaunan ay ginawa na niya itong “escabeche” na may tag price na P2 milyon kada buwan.
Ilang taon din na nagpasasa sa biyaya itong girl hanggang sa magkaroon ng problema ang politiko sa kanyang raket kaya hindi na ma-afford ang dalawang milyon kada buwan.
May mga ulat na nakipagnegosasyon pa umano itong girl pero mukhang naghanap daw ng mas murang “pechay” itong politiko na kakasya sa kanyang budget ngayon.
Pintahan n’yo na. Ang politiko ay nagkasala sa Diyos dahil sa pangangaliwa at may letrang A sa kanyang apelyido.









