Sino raw itong politiko ang sunod-sunuran sa isang guwapong abogado anuman ang wish nito?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, may misis na ang politiko pero mas close ito sa guwapong abogado na tila ayaw niyang mawala sa kanyang tabi.
Eh paano ba naman kasi, kahit anong puwesto ang makuha ng politiko, sinisiguro nito na mabibigyan din ng silya ang guwapong abogado.
At kapag tumatalak, este nanenermon daw ang politiko sa mga staff, itong guwapong abogado lamang ang kayang magpalamig sa ulo ng politician.
Nagdududa na raw tuloy ang ilang Marites kung pati sa gabi ay sa condo ng abogado umuuwi itong politiko imbes sa kanilang haybol kung saan naghihintay ang kanyang esmi sa kama.
Pintahan n’yo na. Ang politiko na sunod-sunuran sa kanyang abogado ay may letrang A sa kanyang pangalan, as in ambot sa imo.









