HINDI na nagpaliguy-ligoy pa si Masai Ujiri, ang bagong presidente ng Dallas Mavericks squad, matapos amining magulo ang naging takbo ng prangkisa sa nakalipas na mga buwan.
Sa kanyang introductory press conference bilang bagong team president, agad niyang ipinangako ang direksiyon at katahimikan para sa koponan.
“Listen, I hope to bring calm,” ani Ujiri.
Dumaan ang Mavericks sa sunod-sunod na kontrobersiya kabilang ang pag-alis ni Luka Doncic, front office shake-up, at hindi consistent na resulta sa loob ng dalawang season.
Sa halip na balikan ang nakaraan, nais ngayon ni Ujiri na ituon ang atensiyon sa future centerpiece na si Cooper Flagg.
“In Africa, we say when kings go, kings come,” ani Ujiri.
“A king went and we have a little prince here. Now we’re going to turn him into a king.”
Kabilang din sa haharapin niyang desisyon ang future ni head coach Jason Kidd, bagaman nilinaw niyang wala pa siyang agarang pasya.
“I’m going to hear coach Kidd out. There’s no way to read this right now,” dagdag niya.
Umaasa rin si Ujiri na makabuo ng matinding tandem sina Flagg at Kyrie Irving sa oras na makabalik ang huli mula sa injury.
“I want to see that. I think it’s going to be pretty cool,” sey nito.
Para kay Ujiri, malinaw ang sukatan ng tagumpay sa Dallas.
“There’s no other way to do this than winning,” giit niya. (Zeus Valdez)












