GUMAWA ng kasaysayan ang Filipino-American cornerback na si Chris Johnson matapos piliin ng Miami Dolphins bilang No. 27 overall pick sa first round ng 2026 NFL Draft.
Dahil dito, naging highest-selected Group of Five player si Johnson sa buong draft class.
Isa rin siyang kauna-unahang defensive player ng San Diego State University na napili sa unang round mula pa noong 1972.
Umakyat pa ang Dolphins mula No. 30 pick matapos makipag-trade sa San Francisco 49ers upang makuha ang Fil-Am standout.
Malaking bahagi ng kanyang pag-abante ang dominanteng collegiate career kung saan nagtala siya ng 152 tackles, 14 passes defended, anim na interceptions at limang forced fumbles sa apat na season.
Dahil dito, nakakuha siya ng All-Mountain West at All-American honors noong 2025.
Bago ang kanyang breakout run, isa lamang si Johnson sa three-star recruit mula California at minsang tumayo lamang nh 5-foot-2 noong sophomore year bago dumaan sa malaking growth spurt.
Sa NFL Combine, lalong humanga ang scouts matapos magposte ng 4.40-second 40-yard dash at 38-inch vertical jump ang 6-foot defensive back na Fil-Am.
Inaasahang agad niyang mapapalakas ang secondary ng Miami matapos mawalan ng ilang key cornerbacks ang koponan ngayong offseason. (Zeus Valdez)












