SA unang pagkakataon ngayong season, nalusutan ng kanyang first two home runs sa mound si Shohei Ohtani at tinalo ng Houston Astros ang Los Angeles Dodgers 2-1 Martes ng gabi (Miyerkoles sa Maynila).
Iniregalo ni Ohtani ang homers nina Christian Walker at Braden Shewmake.
Matikas na pumukol ng seven innings si Peter Lambert para ipreserba ang panalo ng Houston.
Nagbigay lang ng three hits si Lambert, may four walks at four strikeouts.
Sinalo ni Bryan King ang pitching para sa Astros, nag-surrender ng isang run sa eighth bago kinamada ang scoreless ninth para kubrahin ang kanyang third save.
Pinalipad ni Walker ang first pitch ni Ohtani sa second inning papunta sa train tracks sa left field tungo sa 1-0 Astros.
May one out sa second, pinalagutok ni Shewmake ang fastball ni Ohtani tungo sa mga upuan sa left field para doblehin ang lamang 2-0.
Overall, natsambahan ng four hits at two runs si Ohtani bagaman naglista ng eight strikeouts sa seven innings.
Umiskor si Alex Call sa two-out single ni Kyle Tucker at dinikit ng Dodgers 2-1 sa eighth. (Vladi Eduarte)












