WebClick Tracer

Mag-utol na Malea, Naomi susunod sa yapak ng ama

WALANG pag-aalinlangan sa magkapatid na Filipino-American na sina Naomi at Malea Cesar nang ihayag ng kanilang ama na isa ring dating pambansang atleta na irepresenta ang bandila ng Pilipinas.

Lumaki man sa Estados Unidos, hindi nahihiwalay sa kanilang kaalaman ang kinalakihang bansa ng kanilang ama na si Ben Cesar, na siyang naging tulay para sa kanilang mahiligin sa sport at malalim na kaalaman hinggil sa Pilipinas.

Kaya naman noong ipaalam ng kanilang ama ang malaking pagkakataon na makapaglaro para sa bansa, hindi nag-atubili ang magkapatid na isuot ang uniporme ng Pilipinas.

Sa nakalipas na 33rd Southeast Asian Games sa Thailand ay itinala ni Naomi ang pagwawagi sa gintong medalya sa 800m upang maging pinakabatang atleta na nakapagwagi sa athletics.

Ang ama nito na si Ben ay dating Philippine team national sprinter na sumabak noong 1991 SEA Games.

Ang 16-taong-gulang na si Naomi ay gumawa ng kasaysayan sa athletics sa SEA Games 2025 para sa Pilipinas sa pagbigo sa nagtatanggol na kampeon na Vietnam sa 800m sprint, ilang oras lamang matapos na magtala din ng kasaysayan ang kanyang nakakatandang kapatid na si Malea.

Una nang nagbigay karangalan ng kara sa bansa ang mas nakababata na si Naomi sa pagwawagi ng pilak sa Asian Youth Games na ginanap sa Bahrain.

Ang impluwensiya ng kanilang ama ang nagbigay ng lakas para sa magkapatid matapos na unang tulungan ni Malea ang bansa sa isang makasaysayang gintong medalya kasama ng pambansang koponan ng football ng kababaihan ng Pilipinas sa pagbigo sa Vietnam sa kampeonato.

Ito ang kauna-unahang gintong medalya sa football ng SEA Games para sa Pilipinas. (Lito Oredo)