WebClick Tracer

MILF commander, 4 pa dedo sa engkuwentro

Limang wanted na lalaki ang bumulagta sa engkuwentro sa Barangay Lower Paatan, Kabacan, North Cotabato noong Martes.

Sinabi ni Kabacan Police Chief Police Lt. Col. April Lou Palma na magsisilbi sana ng mga warrant of arrest ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang manlaban at magpaputok ng baril ang grupo.
Dahil dito, gumanti ang mga awtoridad at napatay ang lima.
Kabilang sa mga napatay si Ibrahim Macalnas o alyas “Commander Bigkog” na may kasong murder at sinasabing commander ng MILF commander.
Dalawa pa ang nakilalang sina Ismael Luncayao at Datukan Macalnas habang hindi pa natutukoy ang dalawa.
Isang live hand grenade, mga baril, bala at ilegal na droga ang narekober sa lugar. Inaresto rin ang isang babae na sinasabing asawa ni Macalnas kung saan nasamsam sa kanya ang hinihinalang shabu.