Inanunsyo ni US President Donald Trump na “permanently pause” ang pagpasok ng mga migrante mula sa tinawag niyang “Third World Countries,” kasunod ng insidenteng pamamaril ng isang Afghan national sa dalawang miyembro ng National Guard malapit sa White House.
Sa isang pahayag sa social media, sinabi ni Trump na rerepasuhin at posibleng baligtarin ang “milyon-milyong” immigration admission sa ilalim ni dating Pres. Joe Biden, tatapusin ang mga federal benefit para sa non-US citizen at ide-deport ang mga dayuhang banta sa seguridad o hindi akma sa “western civilization”.
“I will permanently pause migration from all Third World Countries to allow the U.S. system to fully recover,” ani Trump.
Ani Trump, bahagi ito ng mas pinaigting na anti-migrant campaign ng kanyang ikalawang termino na layong bawasan ang “illegal at disruptive population”.









