WebClick Tracer

2 binulagta sa ilegal na droga

Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Bagua 1, Cotabato City noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Aminudin Mohammad, 33 anyos, isang construction worker at Hassanul Ibrahim, 25 anyos, kapwa residente sa lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumutang ang anggulong may kaugnayan sa ilegal na droga ang krimen matapos umanong makuha ang mga drug paraphernalia sa katawan ng mga biktima.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala mula sa caliber .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City Police para matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen. (Jun Mendoza)