WebClick Tracer

Proud mom! Heart flinex graduation ng stepson

Winner talaga si Heart Evangelista, hindi lang sa fashion world kundi pati sa pagiging stepmom! Pinatunayan niyang hindi lang siya isang glamorosa at successful na babae, kundi isa ring mapagmahal at hands-on na ina sa kanyang stepchildren.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram Story ang isang espesyal na moment — ang graduation ng stepson niyang si Joaquin Cruz Flores Escudero, o mas kilala sa kanilang pamilya bilang si Quino.

Sa maikling clip na ipinost ni Heart, makikita si Quino na nagma-march habang tinatawag ang kanyang pangalan. Halatang medyo nahihiya pa si Quino nang mapatingin sa camera, pero hindi maitago ang kanyang ngiti. Proud na proud naman si Heart sa kanyang stepson at nilagyan pa niya ito ng caption na, “My Quino Boy. So proud of you!”

Isa na namang patunay ito kung gaano ka-dedicated si Heart sa pagiging stepmom. Alam ng marami na may dalawang anak si Chiz Escudero sa previous relationship niya — sina Quino at Chesi. Pero mula nang mapangasawa ni Heart si Chiz, parang sarili na rin niyang mga anak ang kanyang turing sa kambal. Madalas silang makita na magkakasama sa mga family bonding moments, mula sa simple at casual na gala hanggang sa mga importanteng milestones sa buhay ng mga bata — katulad nitong graduation ni Quino.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga kay Heart. Sa kabila ng kanyang busy schedule sa fashion, art, at showbiz, laging family first para sa kanya. Beauty, brains, at big heart. Lahat ay na kay Heart Evangelista na!

‘Yun na! (Carl Balasa)