WebClick Tracer

Mga lider sa mundo ng lottery industry, tampok sa entablado ng APLA

Sa nalalapit na Asia Pacific Lottery Association (APLA) Conference, magsasama-sama ang ilan sa mga nangungunang eksperto sa mundo ng loterya upang talakayin ang mga isyung humuhubog sa kinabukasan ng industriya—mula sa regulasyon at inobasyon hanggang sa pakikipagsabayan sa mabilis na pagbabagong teknolohikal.

Unang magpapahayag si Robert Chvátal, CEO ng Allwyn Group, na tatalakayin ang illegal betting ecosystem, isang banta sa mga lehitimong operator at tagapagpatupad ng batas. Ipaiipaliliwanag niya ang lawak at epekto nito sa ekonomiya at lipunan, at magbabahagi ng mga mabisang pamamaraan sa pagpapatupad ng batas at pandaigdigang kooperasyon upang mapigil ang mga ilegal na aktibidad at mapalakas ang responsableng paglalaro.

Kusunod naman si Stéphane Pallez, Chairwoman at CEO ng Groupe FDJ United, na tututok sa paksang “The Lottery Organization of the Next Decade.” Tatalakayin niya kung paano maaaring umangkop ang mga pambansang lottery sa digital transformation at bagong kaugalian ng mga manlalaro, gamit ang teknolohiya upang mapalakas ang koneksiyon sa publiko at mapanatiling makabuluhan at matatag ang operasyon.

Samantala, si Nils Vesk, isang innovation expert, ay magbabahagi ng mga paraan kung paano makakabawi at uusad ang mga loterya sa gitna ng kawalang-katiyakan. Sa kanyang diskusyon na “Thriving in Uncertain Environments,” ipapakita niya kung paano magagamit ang design thinking bilang estratehiya sa pagharap sa pagbabago at paglikha ng bagong oportunidad.

Sa kabuuan, layunin ng APLA Conference na magbigay ng malinaw na direksiyon para sa mas makabago, responsable, at matatag na industriya ng loterya sa rehiyon at sa buong mundo.

PCSO pangungunahan ang APLA 2025 Conference sa Pilipinas

Pinas tampok sa Asia Pacific bilang lider sa responsableng gaming at inobasyon

Muling inilalagay ng Pilipinas ang sarili sa mapa ng rehiyon at industriya ng lottery at gaming sa pangunguna ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang host ng Asia Pacific Lottery Association (APLA) Conference 2025, na gaganapin sa Manila mula Oktubre 28 hanggang 31. Tema ng apat na araw na pagtitipon ang “The Future of Lotteries: Thriving in an Era of Uncertainty.

Dadalo sa prestihiyosong kumperensiya ang mga kinatawan, eksperto, at tagapagpatupad ng polisiya mula sa iba’t ibang bansa sa Asia Pacific upang pag-usapan ang kinabukasan ng mga lottery sa gitna ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya, merkado, at regulasyon.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades A. Robles, ang pagho-host ng Pilipinas sa APLA 2025 ay patunay ng tiwala ng buong mundo sa PCSO at sa integridad ng aming operasyon.

“Ang pagho-host ng Pilipinas sa APLA 2025 ay patunay ng tiwala ng buong mundo sa PCSO at sa integridad ng aming operasyon,” ani Robles. “Ito ay pagkakataon upang ibahagi ang aming mga karanasan, matuto mula sa ating mga katuwang sa rehiyon, at pagtibayin ang responsableng paglalaro ng industriya ng lottery sa panahong puno ng pagbabago.”

Sa ilalim ng pamumuno ni Robles, patuloy na pinatatatag ng PCSO ang reputasyon nito bilang isang mapagkakatiwalaang gaming institution. Nakamit na ng ahensya ang Responsible Gaming Level 2 certification at kasalukuyang tinutututok ang Level 3 accreditation, bilang patunay ng pagsunod nito sa mga pandaigdigang pamantayan ng pananagutan at patas na paglalaro.

Kabilang sa mga tampok na tagapagsalita sa kumperensiya si Nils Vesk, kilalang awtor at nnovation coach mula Australia, na magbibigay ng keynote speech na “Thriving in Uncertain Environments.

Kasama rin sina Stéphane Pallez, CEO ng FDJ United; Robert Chvátal, CEO ng Allwyn Group; at isang European expert na tatalakay sa “New Tech, AI, and Cybersecurity.

Higit pa sa responsableng gaming, tatalakayin din ng APLA 2025 ang digital transformation, sustainability, at kooperasyon sa pamamahala, bilang tugon sa mabilis na pagbabago ng industriya.

Sa pagho-host ng APLA 2025, itinatampok ng Pilipinas ang sarili bilang sentro ng responsableng gaming at inobasyon sa rehiyon, na muling nagpapatunay ng liderato nito sa Asia Pacific lottery sector.

Sa panahong puno ng pagbabago at kawalang-katiyakan, nananatiling matatag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Habang nagbabago ang paraan ng paglalaro, patuloy rin ang ating pagbabago upang mapanatili ang tiwala sa sambayanan at mapalakas ang ating kakayahang maglingkod.

Mula pandemya hanggang sa bagong panahon ng digital innovation, patuloy nating ipinapakita na kayang umunlad ng PCSO sa gitna ng mga hamon. Sa taong 2023 at 2024, umabot sa mahigit P61.4 bilyon at P62.3 bilyon ang ating kita—isang patunay na nananatiling buhay ang tiwala ng publiko. Bawat taya ay nagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan, dahil ang bawat kita ng PCSO ay direktang napupunta sa mga programang pangkalusugan at kawanggawa.

Bahagi ng ating tagumpay ang paglulunsad ng Philippine Lottery System (PLS), isang makabagong teknolohiya na nagbigay daan sa mas mabilis, ligtas, at transparent na operasyon ng lotto sa buong bansa.

Kasabay nito, sinimulan din natin ang E-Lotto, isang hakbang tungo sa mas modernong paraan ng paglalaro. Patunay ito na handa na ang Pilipino sa digital na kinabukasan ng lotto.

Habang tayo’y patuloy na nagbabago, nananatiling gabay natin ang ating layunin—ang maglingkod. Hindi para sa tubo, kundi para sa pagtulong. Sa taong 2024, mahigit P4.2 bilyon ang inilaan ng PCSO sa Charity Fund upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng Medical Assistance Program, pagbibigay ng Patient Transport Vehicles (PTVs), at iba pang proyektong pangkalusugan.

At sa bawat proyektong ating isinusulong, dala natin ang diwa ng ating mga panuntunan: “Sa bawat taya, may kawanggawa.”

Sapagkat bawat laro ay may layunin, bawat panalo ay may kasamang tulong, at bawat serbisyo ay patunay na ang PCSO ay “Hindi umuurog sa pagtulong.”

Ngayon, tayo ay kabahagi ng Asia Pacific Lottery Association (APLA), ipinagmamalaki nating dalhin ang tinig ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado. Sa pakikipag-ugnayan sa mga katuwang sa rehiyon, natututo tayo, nakikibahagi, at nagbabahagi ng mga aral tungo sa mas matatag, responsable, at makataong industriya ng lottery.

Ang kinabukasan ng PCSO ay nakasalalay sa ating kakayahang magbago nang hindi nakakalimot sa ating pinagmulan. Patuloy tayong maglilingkod nang may integridad, mag-iinovasyon nang may malasakit, at magpapatuloy nang may paninindigan. Dahil sa PCSO, ang bawat taya ay pag-asa, at ang bawat pag-asa ay tulay sa pagbabago.

PCSO, Tuloy sa Paglikha ng Mas Ligtas at Makabagong Lotto

Patuloy na pinapatunayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang lotto ay hindi lang tungkol sa swerte—ito rin ay tungkol sa serbisyo at inobasyon. Sa pamamagitan ng Philippine Lottery System (PLS) at Lottomatik, binabago ng PCSO ang paraan ng paglalaro sa bansa. Mula sa digital ticket generation hanggang sa real-time prize validation, mas mabilis, ligtas, at transparent na ang paglalaro ng lotto.

Higit pa sa modernisasyon, isinusulong ng PCSO ang responsable at etikal na paglalaro. Sa pagkamit ng Level 2 Responsible Gaming Certification mula sa World Lottery Association (WLA), napatunayan nito ang pangakong protektahan ang mga manlalaro, lalo na ang mga kabataan. Ang pagsisikap nitong makuha ang Level 3 certification ay nagpapakita naman ng patuloy na pagtutok ng ahensya sa pagbigay ng ligtas at tapat na gaming environment sa mga manlalaro.

“Ang tunay na inobasyon ay nagsusulong sa malinaw na proseso, mahusay na serbisyo, at tapat na pamamahala,” ani PCSO General Manager Mel Robles. “Sa tulong ng teknolohiyang tulad ng Lottomatik, mas napapalakas namin ang operasyon na tumutulong pondohan ang mga programang pangkawanggawa ng PCSO.”

Tampok sa Asia Pacific Lottery Association (APLA) Conference ang patuloy na inobasyon ng PCSO sa industriya ng lotto. Dito tatalakayin ng mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa kung paano hinuhubog ng teknolohiya, kooperasyon, at mabuting pamamahala ang kinabukasan ng lotto.

Bilang host country, ipinapakita ng PCSO ang aktibong papel ng Pilipinas sa pandaigdigang usapan tungkol sa modernisasyon at responsableng paglalaro—isang patunay ng layuning panatilihing ligtas, tapat, at makabuluhan ang lotto para sa publiko.