Maaari nang bisitahin ng publiko ang Mansion House sa Baguio City, na ginawang Presidential Museum, ayon sa Malacañang nitong Linggo.
Sa interview ng mga reporter, sinabi ni Malacañang Social Secretary Bianca Zobel na ang mansiyon sa Pines City ay bukas mula Martes hanggang Linggo, alas-9:00 nang umaga hanggang alas-5:00 nang hapon.
“The reason for this is we have noticed that every day, 500 tourists are taking pictures outside the Mansion House and on weekends. It reaches up to 2,000, so we would like to open the doors so that people can come inside and take pictures inside,” paliwanag ni Zobel.
Pinayuhan ng Malacañang ang mga turista at mga lokal na mag-book ng kanilang tour sa website address na museums.gov.ph o sa kanilang Facebook at Instagram.









