WebClick Tracer

Kai Sotto garahe pa ng 2 linggo sa injury

HINDI pa nakaka-recover si Kai Sotto mula sa rib injury na nakuha sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia.

“One to two weeks pa siguro bago ako maging okay,” tipid na sagot ni Sotto nang tanungin sa kanyang injury status.

Dumating na sa bansa ang Gilas Pilipinas Miyerkoles ng gabi, kahit hindi nakuha ang ticket sa Paris Olympics ay mainit na sinalubong ng fans.

Kung hindi inabot ng injury si Sotto, baka nag-iba ang ihip ng hangin sa Gilas Pilipinas sa OQT.

Baka lang naman.

Second quarter ng 96-94 loss ng Filipinos sa Georgia, binigyan ng hard foul ni Joe Thomasson si Kai. Bagsak ang 7-foot-3 center, nadaganan pa sa dibdib ni Georgian big man Goga Bitadze.

Buong laro nang binalot ng ice packet ang dibdib ni Sotto, pagkatapos ng laro ay idiniretso sa ospital.

Natalo rin ang Gilas sa Brazil 71-60 sa semis kaya napagsarhan sa Paris. Nilamangan pa ng Filipinos ang eventual OQT winner ng 10 sa first quarter bago tumukod.

Napatunayan ng world No. 37 Pinoys na kaya nilang makipagsabayan sa higher-ranked teams, tinalo ang host Latvia 89-80 bago ang manipis na talo sa Georgia.

“Okay naman,” dagdag ni Sotto sa experience nila sa Riga. “It’s such an amazing experience para sa akin, para sa lahat.” (Vladi Eduarte)

TELETABLOID

Follow Abante News on