WebClick Tracer

Marian Rivera nagkapeklat dahil sa indie movie

Sobrang proud si Marian Rivera sa first Cinemalaya movie niya na ‘Balota’.

Kaya naman maaga pa lang nitong Miyerkoles ay nasa media launching/presscon na siya ng 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2024 sa Ballroom ng The Metropolitan Theater.

Nakausap namin si Marian bago pa man magsimula ang nasabing media launch.

Tsika ng misis ni Dingdong Dantes, 7 days lang daw siya nag-shooting, pero grabe ang hirap na dinanas niya.

Originally, dummy lang or fake ballot box ang gagamitin ng aktes as prop sa pelikula pero nahihirapan daw siyang umarte na mabigat ang fake ballot box kaya kinausap niya ang direktor niyang si Kip Oebanda na totoong ballot box na lang ang gamitin niya.

Sa trailer pa lang ng movie, makikita sa maraming eksena na bitbit-bitbit ng aktres ang mabigat na metal box habang tumatakbo sa bukid at gubat. Kaya hindi naiwasang magkaroon siya ng sugat at mga pasa.

Ipinakita nga ni Marian sa amin ang mga peklat niya sa braso na nakuha niya during shooting. Dedma siya sa mga sugat niya. Mawawala rin naman daw ang mga iyon. Ang importante ay natupad niya ang pangarap na makagawa ng isang Cinemalaya movie.

Ang pelikulang ‘Balota’ ay isa lang sa 10 feature full-length films ng Cinemalaya 2024.

Mapapanood ang 20th Cinemalaya from August 2-11, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay, Paranaque City. (Ogie Rodriguez)

TELETABLOID

Follow Abante News on