WebClick Tracer

James Reid ‘di mayabang, nagpasalamat sa Abante

Parang mayabang at walang pakialam sa entertainment press itong si James Reid.

Pero ganun lang pala ang dating ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre.

Actually, mabait pala siya, ha!

Nakita nga namin si James sa EDDYS Awards Night ng SPEEd at ipinakilala siya sa amin ng publicist niyang si Chuck Gomez.

Sey ni Chuck, “Si Jun Lalin, editor ng Abante. Palagi ka nilang isinusulat ng maganda.”

Napangiti si James at nagpasalamat sa amin.

In fairness, naa-appreciate pa rin pala ni James ang mga magagandang naisusulat sa kanya sa mga tabloid dito sa atin.

Ang akala nga kasi namin ay mas tutok na siya sa kanyang international career. Na sobra kasi siyang pinagkakaguluhan ng international media sa mga fashion event na pinupuntahan niya.

Sey nga sa amin ni Chuck, “No. Sinasabi ko kay James ‘yung mga lumalabas sa kanya. Sinasabi ko na palagi n’yo siyang isinusulat sa Abante, ha!”

Sabi pa nga ni Chuck, magse-set siya ng lunch at maiinterbyu namin si James para sa aming ‘Anything Goes’ show sa Abante TeleTabloid.

Wow, so nice!

TELETABLOID

Follow Abante News on