WebClick Tracer

Daniel Lim reresbak sa huling semplang

PUNTIRYANG makabawi ni up-and-coming Pinoy boxer Daniel Lim sa kanyang huling pagkakadapa sa Estados Unidos para subukang tapatan ang magbabawi ring si American Kurt Scoby sa six-round lightweight bout sa darating na Sabado ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Overtime Elite Arena sa Atlanta, Georgia.

Nais sundan ng 24-anyos na Pinoy ang kanyang first round knockout na panalo laban kay Jay-Ar “Starboy” Magboo nitong Marso 23 sa undercard bout ng homecoming ni Eumir Felix Marcial at Thai boxer Thoedsak Sinam na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Pero bago ang naturang panalo ay nakalasap ito ng second-round technical knockout na pagkatalo laban kay undefeated American boxer Emiliano Moreno noong Nobyembre 15, 2023 sa Whitesands Events Center sa Plant City sa unang salang sa ibang bansa.

Nanatiling unbeaten si Lim sa mga salpukan nito sa Pilipinas na itinatag ang rekord na 11-1 kasama ang tatlong panalo mula sa KOs laban kina Magboo, Jimboy Vijano at Ryan Pangalao.

Muli ring babangon ang 28-anyos na New York-based boxer na si Scoby sa sixth-round TKO kontra Dakota “The Lone Wolf” Linger nitong nagdaang Abril 19 sa Overtime Elite Arena, para muling iangat ang impresibong 13-1 kartada kasama ang delikadong 11 panalo mula sa KOs.

Samantala, inahayag naman ng manager at trainer ni dating world champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas na si Joven Jimenez ang biglaang pag-alis sa puder nito ni Lim na lumipat ng ibang manager sa Los Angeles.

Sinabi ni Jimenez na bukod kay Lim ay nagawa ring mahatak nito ang isa pang Pinoy boxer, na maaaring dahilan ang mas malaking alok. (Gerard Arce)

TELETABLOID

Follow Abante News on