WebClick Tracer

Albie Casiño inuwi na ng ‘Pinas ang fiancé, anak

Nakauwi na ng Pilipinas ang Kapamilya actor na si Albie Casiño noong Martes ng umaga mula sa San Francisco, California.

Isinama na ni Albie sa kanyang pagbabalik sa bansa ang fiancé niyang si Michelina Marie Dunton at ang anak nilang si Roman Andrew o Baby Romey.

Nakatsikahan nga namin ang nanay ni Albie, si Anna Kathrina Lee-Casiño at tsinikang aliw na aliw ang kanilang pamilya sa pag-aalaga kay Baby Romey.

Unang apo ni Mommy Rina si Baby Romey kaya naman tuwang-tuwa sila sa bata.

Pati ang tatay ni Mommy Rina, si Alan Lee ay tuwang-tuwa sa apo sa tuhod.

“Unang grandchild si Baby Romey. Si Albie rin kasi ang unang apo ng tatay ko,” tsika ni Mommy Rina.

Sa ngayon, sa kanila naka-stay si Albie at ang mag-ina nito.

“Pero sa July 15 (Monday), lilipat na sila sa townhouse na ire-rent nila. Pero once na mag-lock-in taping na si Albie, balik sa amin si Michelina at Baby Romey,” tsika pa ni Mommy Rina.

Bongga! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on