WebClick Tracer

Empleyado ng DAR tiningga sa leeg, ulo

BUMULAGTA ang isang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) nang barilin ito sa leeg at ulo ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa Sipalay City, Negros Occidental noong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Andre Maria Pajarillo, 57-anyos at residente sa Candoni, Negros Occidental.

Ayon kay Police Lt. Col. Fernando Somblingo Jr., hepe ng Sipalay police, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Purok Sandia sa Barangay Mambaroto lulan ng kanyang motorsiklo nang paputukan ito ng isa sadalawang suspek bandang alas-8:35 nang umaga.

Kumbinsido si Somblingo na sinundan ng mga suspek ang biktima habang papasok ito sa trabaho.

Samantala, narekober sa lugar ng insidente ang dalawang naiputok na bala ng cal. 9mm.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa trabaho ng biktimao matagal ng alitan.

TELETABLOID

Follow Abante News on