WebClick Tracer

Barangay tanod tigbak sa tama ng kidlat

TODAS ang isang barangay tanod matapos itong tamaan ng kidlat habang nasa gitna ng bukid sa Gumaca, Quezon noong Lunes.

Ayon sa report ng Lopez police, nakita ang bangkay ng biktimang si Fernando Pagatpat, 59-anyos, habang nakasubsob sa gitna ng bukirin sa Barangay Casasahan bandang alas-3:30 nang hapon.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakitang may mga paso ang biktima sa kanang braso.

Hinihinalang tinamaan ito ng kidlat dahil ayon sa mga residente ay nakaranas ang lugar ng malalakas na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog nang araw na iyon.

Ayon sa public weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasama ang Quezon sa mga makakaranas ng localized thunderstorm dulot ng easterlies.

Nabatid na umalis sa bahay ang biktima bandang alas-sais nang umaga para pakainin ang mga alagang hayop sa kanilang bukid pero hindi na ito nakauwi kaya hinanap na siya ng kanyang mga kaanak. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on