WebClick Tracer

Mga puslit na yosi buking sa boarding house

ISANG sako ng mga puslit na sigarilyo at ilang master case ang nasamsam ng mga ope­ratiba ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group sa isang boarding house sa Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa, Palawan noong Linggo.

Kasunod ito ng ulat na sa bahay ni Junie Ibno, alyas ‘Kaibigan’, sa San Francisco 1 sa nasabing barangay ibinabagsak ang bahagi ng mga pinuslit na sigarilyo sa lalawigan.

Gayunman, wala sa nasabing boarding house si Ibno nang dumating ang mga awtoridad bitbit ang search warrant sa lugar. Naabutan ng mga tauhan ng maritime police ang umuupa sa isang silid dito na kinilalang si Albert Abique.

Itinanggi nito na may kinalaman siya sa mga puslit na sigarilyo at madalang lang umano pumunta sa boarding house ang may-ari ng mga inismagel na sigarilyo.

Gayunman, dinakip ito ng mga awtoridad nang makita sa kanyang silid ang dalawang master case na may laman na 20-25 ream. Lumitaw sa imbestigasyon na galing sa timog bahagi ng Palawan ang mga sigarilyo na dinadala sa Puerto Princesa para i-supply sa iba’t ibang lugar. (Romy Luzares)

TELETABLOID

Follow Abante News on