WebClick Tracer

Kelot tiningga sa ulo lover ng dyowa

NASAWI ang isang 24-anyos na binata matapos itong baunan ng bala sa ulo nang live-in partner ng babaeng karelasyon umano nito sa Lucban, Quezon noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Reggie Nagar, residente sa Barangay Malupak sa Lucban.

Ayon sa report, dumating ang biktima sa Barangay Kulapi sa nasabi ring bayan sakay ng motorsiklo bandang alas-singko nang hapon.

Bibili sana ito ng sigarilyo sa tindahan nang lapitan ito ng nag-aabang na suspek na si alyas ‘Mark’, 29-anyos, at barilin ng dalawang beses sa ulo.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril samantalang isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Sa imbes­tigasyon ng pulisya, sinasabing selos ang dahilan ng pamamaril matapos mabuko umano ng suspek na may relasyon ang kanyang live-in partner at biktima.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on