WebClick Tracer

Driver pisak sa nasalpok na trak

PATAY ang driver ng isang Mitsubishi Xpander nang bumangga ang unahang bahagi ng nasabing sasakyan sa nakaparadang trailer truck sa Mel Lopez Blvd. sa Tondo, Maynila kahapon nang umaga.

Batay sa expired na lisensiyang natagpuan sa sasakyan, ang biktima ay edad 31 at residente sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naka-stripe na polo ang biktima na nagmamaneho ng Mitsubishi Xpander na may plate number NGX 5776.

Sa ulat, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Mel Lopez Blvd. nang bumangga ito sa nakaparadang trak na may plakang AAR 2235 at minamaneho ni Jomar Generaldo, ng Balubaran, Barangay Malinta sa Valenzuela City bandang alas-8:30 nang umaga.

Sa lakas ng impact, napipi ang harapang bahagi ng sasakyan at naipit ang biktima sa loob na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Bago mag alas-11:00 nang umaga nang tuluyang mahugot ang katawan ng biktima sa wasak nitong sasakyan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

TELETABLOID

Follow Abante News on