WebClick Tracer

2 tinarakan sa masamang tingin

HINIHINALANG dahil lamang sa masamang tinginan, dalawang customer ng isang resto bar ang sugatan makaraang pagsasaksakin sila ng lalaking may tamang hinala umano na masulyapan sa Cavite noong Linggo.

Nasa kustodiya na ng Cavite Component City Police Station ang suspek na si alyas ‘Ian’ na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Sa ulat, nag-iinuman ang suspek at mga biktima sa magkakahiwalay na mesa sa loob ng Jazen Resto bar sa Molino St., Barangay 41, Cavite City nang napatingin ang biktima na si alyas ‘Dan’ sa mesa ng suspek bandang alas-4:30 nang madaling-araw.

Minasama umano ng suspek ang pagkakatingin sa kanya ng biktima dahilan upang lapitan nito si Dan at sitahin.

Nagresulta ito sa pagtatalo na humantong sa suntukan hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at sinaksak si Dan.

Tinangka naman ng isa pang biktima na si alyas ‘Mar’ na paghiwalayin ang dalawa pero pinagbalingan siya ng suspek at sinaksak din.

Rumesponde ang mga operatiba ng Mobile Patrol ng Cavite CPS at dinakip ang suspek. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on