WebClick Tracer

Obrero patay sa shotgun ng kapitbahay

TUMIMBUWANG ang isang 47-anyos na construction worker nang barilin ito ng improvised shotgun ng kanyang kapitbahay at kasamahan sa trabaho matapos silang magtalo habang pauwi sa Bacoor City, Cavite noong Sabado nang gabi.

Agad nasawi ang biktimang tinukoy sa alyas na Junar habang tumakas at target ng manhunt ang suspek na si alyas Vincent, kapwa residente sa Nazareth Compound, Barangay Molino 3, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, naglalakad ang biktima at suspek pauwi sa Nazareth compound nang magtalo ang mga ito sa hindi pa matukoy na dahilan.

Sa kasagsagan ng kanilang bangayan, inilabas ng suspek ang dalang improvised shotgun at pinutukan ang biktima sa katawan na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay bandang alas 10:30 nang gabi.

Nagsasagawa ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) camera ang pulisya sa posibleng dinaanan ng suspek. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on