WebClick Tracer

Pugante ng Bulacan nakalawit sa Cavite

SA Cavite natunton ang isang preso na pumuga mula sa San Jose Del Monte City (SJDMC) Bulacan Custodial Facility noong Sabado nang gabi.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Ternate Municipal Police Station mula sa SJDM Custodial Facility na nagtatago si alyas Jose sa kanilang nasasakupan.

Bunsod nito, agad na nagsagawa ng joint operation ang Ternate MPS at SJDM MPS sa Aplaya , Barangay San Juan 1, Ternate Cavite bandang alas-6:30 nang gabi noong Sabado na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Si alyas Jose ay isa sa mga preso na tumakas sa SJDMC Custodial Facility noong Hunyo 2.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Gene Adsuara)

TELETABLOID

Follow Abante News on