WebClick Tracer

John Estrada, Mercedes Cabral lambingan nakakasuka

Kuhang-kuha nina John Estrada at Mercedes Cabral ang galit ng mga faney. Ang dami ngang nanggagalaiti sa inis sa kanila, no!

Kung sa ibang artista, kilig na kilig ang mga faney, lalo na kapag naglalambingan, kina John at Mercedes, sukang-suka ang mga faney.

Viral nga kasi ang eksena nina Mercedes, John bilang Lena at Rigor sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kung saan inuwian ni Rigor ng liempo si Lena. Dahil sa kanyang pagbubuntis, inutusan pa ni Lena si Camille (Yukii Takahashi) na ihain ang ulam nila.

Hindi rin pinalagpas ni Lena ang pagkakataon na insultuhin si Marites (Cherry Pie Picache) na tila ayaw umuwi dahil sa kaguluhan sa bahay nila.

“Siguro nagbabad sa palengke. Kunsabagay mas bagay naman sa kanya ang simoy ng hangin doon kaysa dito,” hirit pa ng karakter ni Mercedes.

Samantala, nagmakaawa naman si Roda (Joel Lamangan) kay Marites na kupkupin siya matapos siyang palayasin ni Marsing (Pen Medina).

Banat pa ni Roda, kung si Rigor nag-uwi ng kabit, dapat gumanti rin siya at mag-uwi ng kaibigan sa bahay.

At dito nga lalong na-excite ang mga manonood, dahil kaabang-abang nga raw ang bardagulan nina Lena, Roda! Kaloka!

Heto nga ang chika ng mga netizen:

“Roda, ikaw ang bahala kay Marites. Ikaw na ang maghiganti para sa kanya!”

“Ang galing talaga magdala ng role ni Lena! Kuhang-kuha ang inis ng mga manonood!”

“Sarap sampalin ni Mercedes in person. Ang galing kasi niya, eh.”

“Naku, sana talakan ni Joel Lamangan si Mercedes, ha!”

Naku, sure nga raw na trending topic lagi ang bardagulan nina Joel at Mercedes.

Pero, ang isa pang inaabangan ay ang pagtutuos nina Lena at Tindeng (Charo Santos). Manaig kaya si Lena sa mga dalang backup ni Marites?

Oh, di ba? Ang daming kalaban ni Mercedes.

Bongga! (Dondon Sermino)

TELETABLOID

Follow Abante News on