WebClick Tracer

Rita Daniela super kilig, game maka-date si DJ Jimmy

Ang celebrity DJ na si Jimmy Nocon na nga ba ang bagong mamahalin ni Rita Daniela?

Aba, ang Star Magic DJ na si Jimmy nga ang napili ni Rita noong sumalang siya sa ‘EXpecially For You’ ng ‘It’s Showtime’ noong Sabado (June 8).

Sumabak nga sa naturang segment ang Kapuso singer-actress para maghanap ng bagong magpapakilig sa kanya, sa tulong ng kapatid na si Onin.

Biro rin ni Rita na na-promote umano siya bilang searcher sa ‘Expecially For You’ mula sa pagiging hurado sa ‘Tawag ng Tanghalan’.

Na-impress nga si Rita nang ibahagi ni DJ Jimmy ang willingness na makapag-provide sa pamilya. Isa rin kasing single mom si Rita.

“Siguro sa estado ng kasipagan ko ngayon, masasabi ko na kaya na. At siyempre, lalo ko pang sisipagan dahil ako ‘yung klase ng lalaki na gusto kong iparamdam sa partner ko, sa pamilya ko ‘yung magandang buhay tsaka ‘yung sila ‘yung prinsesa,” sabi ni Jimmy.

Natuwa rin sina Vice Ganda at Jhong Hilario sa naging sagot ni Jimmy dahil mas pinag-basehan daw nito ang kasipagan kesa sa mga naipundar na.

At `yun nga, si DJ Jimmy ang napiling maka-date ni Rita na abot langit ang ngiti nang makita na ito sa katapusan ng segment.

Si DJ Jimmy ay isang celebrity DJ under Star Magic. Isa siya sa pinaka-in demand na DJ sa bansa para sa mga music festivals, celebrity events, corporate events, private parties, at concerts.

Hanggang saan kaya aabot ang sinimulan nina Rita, DJ Jimmy?

TELETABLOID

Follow Abante News on