WebClick Tracer

KDLex binida kasalang Charlie-Carlo

Bibilib ka sa naging closeness ng magka-love team na KD Estrada at Alexa Ilacad kay Charlie Dizon!

Nagkasama nga sila sa TV5, ABS-CBN Studios serye na ‘Pira-Pirasong Paraiso’.

At kahit tapos na ang seryeng ‘yon ay hindi naman nag-end ang closeness nila.

At siyempre, um-attend ang KDLex sa kasal nina Charlie at Carlo Aquino na ginanap sa Silang, Cavite noong Linggo.

Ilang pictures, videos nga nila sa wedding nina Charlie, Carlo ang flinex nina KD, Alexa sa Instagram story accounts nila.

Siyempre, flinex rin nila ang pictures ng bagong kasal.

Wish naman ng KDLex fans na sana katulad nina Charlie, Carlo ay mauwi rin sa kasal ang closeness ng mga idolo nila.

Kahit wala pang pag-amin sina KD, Alexa na magdyowa na sila, marami naman sa kanilang mga fan ang naniniwalang may ‘something’ na ang dalawa.

‘Yun na! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on