WebClick Tracer

Heart Evangelista lumutang uli ang talent sa art!

Marami ang humahanga kay Heart Evangelista dahil sa kanyang galing sa fashion!

Pero hindi alam ng iba, winner din si Heart sa kanyang galing sa art.

Isa sa kanyang bagong masterpiece ang Rolex Day-Date na pinintahan niya ng iba’t ibang mukha.

“My heART frozen in,” saad ng aktres, model na si Heart na kabiyak din ng ngayo’y Senate President na si Senator Chiz Escudero.

Una nito, pinintahan din niya ang kanyang Hermes bags.

Kinostumized din niya ang pink ostrich Kelly bag ni Jinkee Pacquiao at ang cobalt blue Kelly ni Kim Chiu.

Ang Rolex watch ay simbolo ng status at wealth!

Ang Rolex Day-Date 36 in 18ct yellow gold na may white dial ay nagkakahalaga ng P1,919,000.

Samantala nasa P2,082,000 naman ang halaga ng emerald green dial. (Natalia Antonio)

TELETABLOID

Follow Abante News on