WebClick Tracer

Puganteng Chinese nalambat sa Pampanga hub

ISANG puganteng Chinese ang nalambat ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nang salakayin ng mga ito ang ilegal na scam farm sa Porac, Pampanga noong nakaraang linggo.

Tumanggi si PAOCC spokesperson Winston Casio na tukuyin ang pugante mula sa Mainland China habang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa Bureau of Immigration (BI) at Chinese Embassy sa bansa para sa mga kaso nito.

Aniya, tinangka pa ng puganteng Tsino na kukuha lang ng mangga para makatakas pero agad itong nadakma ng mga tauhan ng PAOCC at pinosasan.

Nang suriin ang laman ng cellphone nito, nakita rito ang mga video ng mga patay na tao.

Natuklasan din na bukod sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan nito sa China, dawit din umano ito sa operasyon ng mga scam farm hindi lang sa Pampanga kundi sa iba pang parte ng bansa.

Sasailalim ito ngayong araw sa inquest proceedings kasama ang 160 pang dayuhan na inaresto sa nasabing raid. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on