WebClick Tracer

Mga empleyado sa scam farm, pinapabatak ng droga

WALA pang narekober na mga armas pero bulto-bultong ilegal na droga ang natuklasang nakatambak sa sinalakay na scam farm sa Porac, Pampanga na hinihinalang ipinapabatak sa mga empleyado nito.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio, nasa limang gusali pa lang sa nasabing scam farm ang napapasok ng mga awtoridad mula sa 46 na gusali na nakatirik sa lugar.

Aniya pa, marami sa mga nadakip na dayuhan ay lulong na sa ilegal na droga.

Sa katunayan, hindi na umano itinatago ng mga nakadetineng dayuhan sa Pasay City Police ang kanilang pagka-adik sa shabu at lantaran pang nagpapa-deliver nito sa kanilang kulungan.

Posible aniyang sinadyang ipalulong ang mga ito sa ilegal na droga para sumunod sa utos ng kanilang mga superior.

Samantala, kumbinsido si Casio na papalo pa sa ilang kilo ng shabu ang matutuklasan sa mga gusali sa sandaling makumpleto na ang pagsuyod sa mga ito. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on