WebClick Tracer

Construction worker pinasabog ang bungo

TODAS ang isang construction worker matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng kanyang bahay sa Lipa City, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Manolito De Guzman, 57-anyos, residente sa Barangay Tipacan, Lipa City, Batangas.

Ayon sa report, nakaupo ang biktima sa monoblock chair sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang salarin.

Malapitan nitong pinutukan ang biktima sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Pagkatapos nito ay naglakad lang umano ang salarin palayo sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo at utak ng krimen. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on